• Pinterest

Doha Qatar – Idinaos nitong nagdaang ika-walo at siyam ng Hulyo taong kasalukuyan sa ganap na alas 7 ng umaga sa una at ikalawang araw, ang ika-4 na IIEE Middle East Regional Convention na ginanap sa City Center Rotana, West Bay Doha, Qatar na may temang “IIEE: Soaring High Towards Globalization”, na tatagal sa dalawang araw na okasyon. Naging panauhing pandangal sa nasabing pagdaraos ay si Ambassador Wilfredo Santos, embahada ng Pilipinas dito Qatar at mga kasapi ng kanilang grupo mula pa sa Bahrain, Kuwait, CRCSA, ERCSA, VRCSA, UAE at sa Qatar


Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng humigit kumulang na 300 na katao kasama na dito ang mga bisita, isponsor at mahahalagang panauhin.

Nagsimula ang okasyon sa pambansang awit ng Qatar at sinunsdan ng Pambansang awit ng Pilipinas na pinangunahan ng “The Maharlikans Ensemble, Philippines|, pagkatapos nito ay ang Call to Order (Banging of Bell and Gravel) sa pagsisimula ng Convention, si Engr. Roberto Mabulay gumawa nito. Binasa ang IIEE Mission and Vision nina Engr. Teofilo Tongson ay Engr. Marlito Dela Cruz. Nagkaroon din ng Safety Presentation sa naturang Hotel para ilahad ang Hotel Safety sa pangunguna ni Engr. Pablito Esmele.

Si Engr. Edgardo Esteban ang nagbibigay ng pambungad na pananalita, sinundan ng acknowledgement of Dignitaries, VIP guests, mga kasapi ng IIEE at ang mga isponosrs. Nagbigay ng inspiration message na si Engr. Larry Cruz. Nagpakilala sa pangunahing pandangal ay mula sa POLO-OWAA na si Labor Attache na si Ginoong David Des Dicang. Nag-gawad din ng pampasiglang pananalita ang ating Ambassador sa mga nandun sa araw na iyon at menshahe rin sa mga kasapi ng IIEE.

Nagkaroon ng ibat ibang presentasyon sa una at ikalawang araw ng pagdaraos tulad na patungkol sa mga sumusunod:

1. Earthing and Lighting Protection System – Standard update
2. GROPU Philux MEP Products
3. ACPECC update
4. Jubail Bros. Generator Products
5. Click Wiring
6. Philippine Grid and Distribution Code
7. Electrical Safety: Making it Personal
8. Smart Switchboards (Schneider Electric)
9. FIREX Company Fire Fighting Products
10. Sta. Clara
11. Kahramaa Mandatory Requirements for 11KV Switchgear
12. Light Craft – Lighting Solution
13. Primary Substation General Arrangements DEWA vs. Kahramaa
14. Pacific Ocean Electrical Switchgear
15. LBC

Ang mga nabanggit ay may kani-knaiyang representative para maipaliwang ang kanilang mga produkto at naaayon sa electrisidad. Nagkaroon din sa unang araw ng mga awarding of Plaque of Appreciation, Cutting of Ribbon, Raffle Draw, Pictorial, Fellowship Night at marami pang iba. Sumunod na araw, nagkaroon ng Cake Cutting, Raffle Draw, Pictorial, Turnover ceremony at marami pang iba. Ang mga naging punong abala sa naturang okasyon ay sina Binibing Dorily Macaraeg at Ginoong Edgar Santos. Ang program coordinator ay sina Ginoong Jose Teves at Ginoong Erwin Pemiones.

Aming nakapanayam si Ginoong Cruz II Palalon, tubong Negros Oriental, miyembro ng IIEE noon pang Octubre 2013. Ayon sa kanya, lubos siyang nagagalak at nagtipon tipon ang lahat ng miyembro ng IIEE sa Qatar pati na rin ang ibang pang representative sa ibang bansa sa gitnang silangan. Dagdag pa niya, nagkakaroon siya ng bagong kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya at mga produkto na angkop sa kasalukuyang taon. Hinikayat niya ang ating kababayan lalo na sa mga Electrical Engineers na lumahok sa IIEE para sa pagiibayo ng personalidad, career growth, magkaroon ng social involvement at sa larangan ng pagdadalubhasa sa kanilang mga tinapos na kurso. Huli niya nasambit ay ang pasasalamat sa IIEE bilang kabahagi nito at isang pamilya sa organisasyon.

Ulat mula kina Alvin Salazar at Antonio Magtanggol De Leon.

  • Pinterest

Doha Qatar – Isinagawa ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Qatar Chapter sa pamumuno ni Presidente Engr. Gilbert Lorenzano ang kanilang Unang Mid-Year Technical Convention na naganap noong Hulyo 7 sa City Center Rotana Hotel na may temang “ Construction Professionals: Facing the Challenges of Sustainable Construction and Global Competence.” Maliban sa PICE-Qatar, nilahokan din ng ilang organisasyon ng Inhinyero gaya ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) Qatar Chapter, Filipino Association of Material Engineers (FAME-Q) , Philippine Institute of Certified Quantity Surveyors (PICQS) Qatar Chapter at Filipino Planning Engineers Association (FPEA). Naging panauhing pandangal sa nasabing Convention sina Hon. Roussel Reyes, Consul General of Philippine Embassy, Qatar at United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) Chairman Ed Anami.

Ipinarating ni Hon. Reyes ang mensahe ng pagbati sa PICE Qatar at ibang organisasyon mula kay Amb. Wilfredo Santos. Ayon kay Amb. Santos, sakto sa “challenges ng isang Inhinyero” ang mga paksa ng Convention na ito. Naniniwala naman si UFOQ Chair Anami na mas lalong lalawak ang mga kaalaman ng mga nakisali sa Convention na ito. Matapos nito ay pinarangalan ang bawat organisasyong sumali sa Convention na ito pati ang mga Panauhing Pandangal. Sumunod naman dito ay ang mga Sessions gaya ng Specialization and International Accreditation, Management, at iba’t ibang paksa na ang layunin ay lumawak pa ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang propesyon.

  • Pinterest

6th AL Jaber Opticians Ramadan Traffic Awareness campaign and Ifthar Drive

By: Mildred B. Ngoaban and Ronico Hernandez

There were 3,000 Ifthar packs distributed by AL Jaber Opticians along the 3 main traffic signals in Doha last 24 June 2016.

Traffic Awareness campaign and Ifthar Drive is one of the annual Major Community service of the company during the Holy month Ramadan which was successfully executed  as supported by the Al Jaber Opticians Staff, members from different Qatar community groups, namely: Reformed and United GUARDIANS Brotherhood Int'l. Inc. Legion, Qatar (RLQ), Qatar Volunteers, BIMAK, Migrante International and GI 10th Wing

One of the objectives of the project is to provide main Breakfast Ifthar/foods and drinks to all the motorists especially those who are fasting during the Holy month of Ramadan, secondly, is to prevent any road accidents that often has caused by the rush of driving just to get on their places for Breakfast.

It was the 6th year for the company to sponsor the event. The management has provided freely the main needs on the event, aside from the foods and drinks they opened their hall for the group to pack and prepare the food packs and volunteers’ dinner.

There were more than one hundred and sixty one volunteers who carried out the project. They are all expatriates, working in different companies and most of them came from the Industrial Area, Saudi Boarder and Wakra area.

Within ten minutes, the food packs were successfully distributed to three thousand beneficiaries along the 3 main signals located at the old airport road, Ramada signal and Bin Omran Signal.

Despite of humid weather, all Volunteers enjoyed the giving, and so are those who received the food-packs. Beneficiaries salute and thanks Al Jaber Opticians and the volunteers on their advocacy.

According RLQ group, it is an unparalleled experience that strengthen them to protect the trust granted to them. They will stand firm and to live with their belief to be: Pro-God, Patriotic, Pro-People and Pro-Environment.

The rest of the volunteers, extends their appreciation and gratitude to the whole family of Al Jaber and to the Management of Al Jaber Opticians, on the opportunity given to them to experience such fulfilling task.

The whole family of Al Jaber conveyed their gratitude to all the volunteers in the State of Qatar who have contributed their time and effort.

The Company and the volunteers are looking forward to continue this project in the coming years, as they are united for a common goal to help others.  And by acts of charity and public service, they share to people - peace, harmony and respect to their Beliefs and religions, not only the during the  advent of Ramadan, but on their  everyday life.

 

Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use
Copyright © 2015 BalitangQ. All Rights Reserved.

2.png0.png4.png2.png7.png1.png