• Pinterest

13555975 203195323410730 1770829009 o13555975 203195323410730 1770829009 o among migrant workers in QF Education City on 26 June 2016. Its President, Ms. Jesy Robles said, "Living in a Muslim country, we do not only respect the culture, but we also take part in exhibiting the values that are consistent with our Filipino culture and heritage; one of these is giving."

  • Pinterest

Doha Qatar – Naganap ang oathtaking ng officers at mga members ng Middle East and African Network of Filipinos Diaspora o MEANFID noong ika-8 ng Abril sa Bacolod Chicken House sa Al Sadd. Pinamunuan nina Ambassador Wilfredo C. Santos ng Philippine Embassy Doha at UFOQ Chairman Ed Anami ang nasabing oathtaking.
Ilang mga Filipino community leaders ang nakiisa sa oathtaking na ito, at naging miyembro na din ng nasabing grupo.
Bilang UFOQ Chair, si Ed Anami din ay Country representative din ng MEANFID Qatar. Noong una, wala syang idea tungkol sa MEANFID hanggang sa sumama sya sa isang summit na naganap kamakailan lang sa Dubai, UAE nang nakita nya ang iba't ibang representatives mula sa iba't ibang region sa Middle East at Africa, maging sa ibang panig ng mundo kung ano talaga ang MEANFID.
Dahil panahon na ng Eleksyon, hinihikayat ni Amb. Santos na bumoto na ang lahat ng registered voters sa Qatar simula sa ika-9 ng Abril hanggang ika-9 ng Mayo sa Embahada. Ipinagmamalaki ni Amb. Santos ang malaking bilang ng registered voters sa kanyang administrasyon. Hinihikayat din ang lahat na makilahok sa lahat ng mga programa ng Embahada lalo na palapit na din ang Araw ng Kalayaan.
Ang MEANFID ay itinatag noong Nobyembre 2014 na ang layunin nito ay maging tulay sa mga Kababayan natin sa Middle East at African region upang tulungan ang mga sarili para sa ikauunlad ng sarili. Sila ay tumutulong sa mga biktima ng Human Trafficking at binigyan ng Financial assistance ang ilan sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. Pinamumunuan nito ng Regional Chairman at Bagong Bayani 2016 awardee Fidel Escurel.

  • Pinterest

honeylynhoneylyn

Kamakailan lang ipinagdiriwang ng Reformed and United Guardians Brotherhood International Incorporated Legion Qatar o mas kilala sa tawag na R.L.Q ang kanilang ikalawang taon.

Ang R.L.Q. ay binubuo ng Amega Group, Master of Defender Group, STONE Group at ang bagong anib na Soldier Group.

Ang nasabing okasyon ay sinimulan sa tradisyonal na parada na hawak hawak ang kanikanila banners, at sinundan ng inspirasyon pang spiritual sa pamumuno ni Pastor Romeo Placencia, DDU-Qatar. Binasbasan din ni Pastor Placencia ang bawat leader ng grupo na sina Ginoong Edwin “NF ED-3” Dasalla ng Amega Group, Ginoong John Paul “NF John” Rupisan ng Master of Defender Group, Binibining Mildred “NF Miles” Ngoaban at si Ginoong “MF Lyn” ng Soldier Group.

Samantala si Ginoong Benjie “MF Benj”ang nag pambating pambungad at si Ginoong John Paul “NF John” Rupisan ay inilahad sa meyembro ang kasaysayan kung bakit na buo ang RLQ.

Sa araw ding iyon isinabay ang pag presenta ng mga bagong nailoklok o na ihalal na mga international opesyal sa pamumuno n Ginoong Rene “CNF Rene” Lloren – Charter International President, sabay na rin ang induksyon ng mga bagong opisyalis nito. Naging panauhing pandangal sina Hon.David Des Decang- Philippine Labor Attaché to Qatar, Ginang Layla Bernal (May ari ng Ladiva Saloon at  isa sa mga magiting nataga suporta ng mga programa ng RLQ tulad ng Hair and Cosmetology para sa mga Distress OFW para sa kanilang pagahahanda sa pangingibang bayan.

Ayun kay Ginang Bernal, mas mainam na matututo ang gating mga kababayan bilang isang beautician o mangugupit habang sila ay nasapangangalaga ng POLO OWWA para narin sa kanilang kinabukasan. Ayun kay Ginoong Labor Attache lubos syang natutuwa dahil may ganoong grupo na handing sumuporta sa mga programa n gating embahada at pati narin pag bigay importasya hinsi lamang sa mga memyembro nito kundi pati narin sa mga OFW dito sa Qatar.

Inihayag at inilahad din ni Bb. Mildred “NF Miles” Ngoaban kasalukoyang tumatayong Chairwoman ng RLQ ang mga accomplishment ng grupo. Ang RLQ ay aktibong sumusuporta sa programa ng Embahada ng pilipinas ditto sa Qatar katulad ng pagsalisa pag gugunita n gating kalayaan nakaraang taon. Pag bigay pakain sa mga motorista sa buwan ng pag-aayuno o Ramadan para sa kapatid nating Muslim Pinoy man o ibang lahi. Ang pagkaroon ng palaro sa larangan ng basketball na kung saan ang nailikom na pera ay binigay sa nangangailang pinansyal.

Binigyan kulay at inaliw ng STONE Angels dancers ang nasabing pagtitipon  pati narin ang grupo ng Bayaw and Company. At ibang ibang klaseng palaro sa mga meyembro na inihanda ng Soldiers Group.

Pinasalamatan ni Ginoong Edwin “NF Ed-3” Dasalla ang mga bisita at memyembro na dumalo sa kanilang pag gunita ng ng kanilang anibersaryo. Sa araw ding iyon binigyan ng Financial Assistance sina MF Jadd ng M.O.D.G and RMG Jazz ng Stone Group.

Muli inaanyayahan ng grupo ang mga kababayan dito sa Qatar na kung sila ay interested maari lamang makipagugnayan o tumawag kina G. Rene Lloren – 66235044, Mildred Ngoaban – 33073848, John Paul Rupisan, at Edwin Dasalla.

Panatilihing makibalita sa www.balitangq.net

Ulat ni Ronico Hernandez 

 

Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use
Copyright © 2015 BalitangQ. All Rights Reserved.

1.png9.png6.png0.png1.png8.png