• Pinterest

Maryam Bernabe-Palomares

 

 

Sa huling araw ng pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, hinirang bilang Lakan at Lakambini ng Kalayaan 2017 sina Kandidato #8 Kharle Haven Reyes at Kandidata # 18 Martina Estrada, parehong kumakatawan sa BalitangQ.  Bilang kauna-unahang Lakan at Lakambini ng Kalayaan, sina Haven at Martina ang magiging Tourism Ambassadors na magbabahagi sa bansang Qatar ng mga magagandang lugar at karanasan na tanging sa Pilipinas lamang makikita.

Mahigit siyam na organisasyon ang lumahok sa elegante at prestihiyosong patimpalak ng kagandahan,  talento, talino at higit sa lahat puso.  Ang mga lumahok ay ang Maharlikans Vocal Ensemble Phils, Doha Shutter Bugz, Bol-Anon Association Qatar, Moving Colours, Beats N’ Bytes New Breed, HERO Qatar, BalitangQ, Tanghalang Overseas Pinoy at WEGO.

Umani ng malalakas na hiyawan at papuri ang mga naging pahayag nina Lakan Haven at Lakambini Martina sa pictogram portion kung saan ang mga TOP 5 Finalists ay nagbigay ng interpretasyon sa anumang larawang mabunot nila.  Nagkaroon ng panibagong tagline ang mensahe ng Turismo ng sinabi ni Haven na “Brotherhood is more fun in the Philippines”.  Habang si Martina naman ay inihalintulad ang tarsier na exotic animal mula sa Bohol sa mga Pilipino na nagbibigay ng kagandahan sa bansang Pilipinas at nagiging dahilan ng pagiging kaiba at angat mula sa ibang mga bansa.  Sa kanya namang huling mensahe bilang Top 3 finalist, ay kanyang sinabi na kung siya ang magiging Lakambini ay bukod sa anumang kakayahan na mayroon siya ay magiging “Kabalikat sa Pagbabago” tulad ng tagline at commitment ng BalitangQ.

Tunay na naging challenging sa bawat kandidato at kandidata ang isang buwan ng paghahanda bago humantong sa mismong araw ng kaganapan.  Halos karamihan ay mga baguhan pagdating sa larangan ng patimpalak kung kaya’t marami din silang natutunan upang mas payabungin ang kanilang kakahayan sa pakikipag-kapwa tao, palawakin ang kanilang mga isip at pang-unawa, pinuhin ang kanilang mga pagkilos na parang mga batikang tituladong beauty queen at mga maginoo.

Ipinakita rin ng bawat kandidato at kandidata ang kanilang kakayahan sa Talent portion ng programa na ginanap noong ikalawang araw ng Eid at pagdiriwang.  Iba’t ibang talento at interpretasyon ang kanilang ipinamalas na nagpapakita ng galing ng Pilipino sa pag-awit, pagsayaw, pagsasadula, salamangka at komedya.

Pahayag ni Jonald Roxas, Presidente ng BalitangQ, “ Isang napaka-makahulugang pangyayari ang ating nasaksihan.  Ipinakita ng Lakan at Lakambini ng Kalayaan ang kabuuang pagkatao ng mga nararapat tawaging Lakan at Lakambini.  Mula sa pisikal na anyo, kakayahan at talino ay nakumpleto ang package ng tunay na Lakan at Lakambini.  Nagpapasalamat po kami sa mga tumugon sa aming paanyayang pusuan sina Martina at Haven, naniwala at nagtiwala na sila nga ang karapatdapat na magwagi.”  Dagdag pa ni Jonald, ”Mas lalong humigpit ang samahan ng mga miyembro ng BalitangQ sa puspusan naming pagsuporta sa aming mga kandidato.  Mas lalong lumalim ang aming commitment sa mga Kabayan na patuloy na maghatid ng mga kaganapan at anumang mga balita at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa kanila.  Buhay na buhay ang bayanihan sa aming samahan.  At dahil dito ay nagpapasalamat kami sa mga organizers ng Lakan at Lakambini - ang Kulinarya sa pamumuno ni  Ms. Layla Bernal. Hindi lang kayo nagdulot ng saya kundi lalong higit, sa naging patimpalak ay mas naging solido ang samahan ng iba’t ibang organisasyon. Mabuhay po kayo!”

Ang Lakan at Lakambini ng Kalayaan ay naging daan din sa mga Filipino designers upang i-showcase ang kanilang talento sa pagdisenyo at paggawa ng mga festival costumes, modern barong at filipiniana.

Pinangunahan ni Binibinang Pilipinas Universe 2009 Pamela Bianca Manalo ang Board of Judges ng pageant na nagtungo dito sa Qatar para lamang sa prestihiyosong patimpalak.  Dumalo din sa okasyon si HE Ambassador Alan Timbayan.

 

Attached are the photos. PHOTO CREDITS: Ms. Maria Imelda Enrile
 
 
 
Group Photo:  Lakan Haven and Lakambini with Martina with Ms. Layla Bernal, Head of Kulinarya; Bb. Pilipinas Universe 20019 - Ms. Biana Manalo; HE Ambassador Alan Timbayan, Dr. Alvin Abainza, PIDC 2017 Organizing Committee Chair and Mr. Ressie S. Fos, UFOQ Chairman
 haven2haven2group photogroup photoMartinaMartina
Haven:  Lakan Haven Reyes- "Brotherhood is more fun in the Philippines" 
 
Martina: Lakambini Martina Estrada - "Ako ang inyong Kabalikat sa pagbabago"

 

Classifieds

1 cvb_grid.jpg

800,000.00 QAR

Do you need an urgent loan for business or to...
1 137_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 euro_grid.jpg
  Need a loan for your business or to pay...
1 57c8f526d94e9e86982c8616f_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 57c8f526d94e9e86982c8616f_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 1089a_t_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 137_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 57c8f526d94e9e86982c8616f_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
noimage.gif
Are you looking for a business loan, personal...
1 max_1488246611590207b2811656.98757884_grid.jpg
Credit plus investment You need a loan right...
noimage.gif
We are private lending firm,We offer Loans at...
1 137_grid.jpg

1,500,000.00 USD

Do you need a financial help? Are you in any...
1 Euro_grid.jpg

5,000.00 QAR

Do you need a loan at 3% to pay your bills or...
1 8841-2173-35714slika0_grid.jpg

9,000,000.00 QAR

Are you looking for a loan to clear off your...
1 19905145_101460743829937_5764768502424717933_n_grid.jpg
  100% Tighten Loose Vagina With Herbal...
1 rock-it-2_grid.png
  Pretoria $$ +27630716312 Africa * SUPER *...
1 bigger-better-butt-download_grid.jpg
  Mutuba seed Natural Male Enlargement...
1 162Kalonji-oil-for-tumour_grid.jpg
      NATURAL MUTUBA TREE SEEDS MANHOOD...

 

Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use
Copyright © 2015 BalitangQ. All Rights Reserved.

2.png4.png2.png1.png4.png6.png